ISKWATER NI LUIS G. ASUNCION
JACQUELINE G. ROSAL
BSCRIM 2-E
Iskwater
Ni Luis G. Asuncion
Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan
Pagtataya:
1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?
*Ang sentral ng paksa ng sanaysay ay tungkol sa kalagayan ng mga tao sa loob ng iskwater kung ano ang kanilang pamumuhay at kung gaano sila nahihirapan na matustusan nila ang kanilang pangangailangan sa araw-araw dahil sa kanilang pamumuhay maraming mga kabataan ang na aapektuhan sa kanilang sitwasyon.
2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.
* Ang di tuwirang tinalakay sa teksto ay yung pagpapaalis sa mga tao doon dahil matagal na silang naninirahan sa iskwater at mahirap lang ang kanilang buhay at walang sapat na pera upang ipatayo ng bahay sa ibang lugar dahil wala naman silang trabaho upang matustusan ang kanilang pangangailangan.
3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag.
*Ang layunin ng may akda sa pagtalakay ng paksa ay maipaalam Kung ano ang mga pamumuhay ng mga tao sa loob ng iskwater at kung paano sila nahihirapan sa kanilang sitwasyon ng pamumuhay doon sa loob ng iskwater at paano kahirap na walang sapat na kakayahan upang makakuha ng kanilang pangangailangan sa pang araw-araw at kung paano nila tinitiis ang mamuhay sa loob ng iskwater .
4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit?
*Ang maging maayos ang buhay at hindi nakakatira sa mayayamang lugar.
-Sa sanaysay na ito ay sang ayon ako dahil ang paksang ito ay tungkol sa mga buhay ng tao sa loob ng iskwater na walang sapat na pera upang makapatayo ng magandang bahay.
Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?
*Na hindi makakabili ng mga mamahaling bagay tulad ng magarang kotse at maraming masasarap na pagkain tuwing pasko.
-Sa sanaysay na ito ay hindi ako sang ayun dahil kapag gusto mo na makabili ng mga mamahaling bagay ay lahat gagawin mo magsisikap ka upang makuha mo ang mga bagay na gusto mong makamtan .
5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.
*Bilang isang normal na mamamayan nakaranas rin kami ng buhay ng isang iskwater na wala kaming pangbili ng mga gusto namin na mga bagay tulad ng magagandang damit masasarap na pagkain. Kaya ng sumikap ang aming mga magulang na mag trabaho upang mabili nila ang mga gusto namin.
6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.
* Sa aking pagtalakay ng sanaysay ay subrang halaga nito upang maipaalam sa mga taong mambabasa kung ano ang buhay ng mga iskwater kung gaano kahirap ang kanilang pamumuhay doon. Nabago ang aking pananaw sa loob ng iskwater dahil hindi lang mahihirap ang nakatira doon kundi maraming mga mayayaman ang nakikipag siksikan doon.
7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
*Naiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan ngayo dahil marami paring mga taong mahihirap ay walang maayos na tirahan at walang magandang trabaho lalo na ngayon sa panahon ng pandemya maraming tao ang nahihirapan na matustusan ang kanilang pangangailangan sa pang araw -araw nila na gastusin upang makapili ng pagkain sa kanilang pamilya.
Mungkahing Gawain
1. Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon.
Comments
Post a Comment